MAHALAGANG PATALASTAS TUNGKOL SA 60-DAY GRACE PERIOD
Simula sa September 15, 2020, ang araw ng pagkakabisa ng bagong Bayanihan Law, ang CARD Bank, Inc. ay magpapatupad ng 60-day grace period para sa pagbabayad ng pagkakautang ng mga miyembro. Maaaring mag-avail ang mga miyembro ng grace period hanggang Disyembre 2020 kung ang kanilang loan ay:
1.Umiiral sa araw ng pagkabisa ng batas (existing as of September 15, 2020);
2.Walang “default” o panahong hindi nakabayad ng amortization sa araw ng pagkabisa ng batas (current loans); AT
3.Kung ang amortization o due date ay kailangang bayaran mula sa pagkabisa ng batas hanggang Disyembre 30, 2020.
Ang grace period ay maari lamang i-avail isang beses sa loob ng pagkakabisa ng batas.
Ito ay bilang pagtalima sa ipinag uutos ng “Bayanihan To Heal As One Act 2” at Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.
Ganoon pa man, ang CARD Bank, Inc ay patuloy na tatanggap ng voluntary payment at savings ng mga miyembro.
Kaakibat ng pagpapatupad ng nasabing batas na ito, aming ipinapa alam na ang mga miyembro na mag aavail dito ay:
- Hindi muna makaka loan hanggang hindi nababayaran ng buo ang loan na naka grace period
- Pagkatapos ng 60 days, ang lahat ng hindi nabayaran noong nasa grace period ay magiging due na. Ang halaga ng due na ito ay maaaring bayaran ng buo sa susunod na due date o di kaya ay paunti-unti hanggang December 31, 2020.
Maraming salamat po at manatiling ligtas.